Magandang araw sa iyo,
Sana mabuti ang kalagayan mo,
Kung mababasa mo man ito,
Maalala mo sana ako, kaibigan ko.
Noong ako ay bago,
Walang pagsidlan ang saya mo.
Kinaiinggitan ka ng iyong mga kaibigan,
Dahil ikaw ang may pinakamagandang laruan.
Ngunit unti-unti kang nagbago,
Dati ako ang iyong paborito,
Ngayon, kung saan-saan iniiwan,
Nakalimutan ng linisin at bihisan.
Naalala ko noong nakaraang lingo,
Tinaggal mo binti, braso at aking ulo,
Buti nalang nakita ako ng iyong nanay,
Kung hindi ako’y natapon na sa basurahan.
Lagi mo na akong sinasaktan,
Pilik mata ko’t buhok isa-isa mong tinatanggal,
Buhok ko’y di mo man lamang masuklay,
Pinabayaan mo na ako aking kaibigan.
Sa kabila ng lahat,
Ako sa iyo’y nagpapasalamat,
Ako’y inalis sa salamin na bilangguan,
Ipinakita kagandahan ng kapaligiran.
Isa lamang ang pakiusap ko,
Na ako’y ingatan mo,
Pahalagahan mo ako,
Kagaya ng pagpapahalaga at pagmamahal ko sayo.
Paalala: Ang tulang ito ay kasali sa 2011 Saranggola Blog Awards sa kategoryang “Tula.”




maganda ang pakakalahad mo ng munting hinaing ng isang “manika”.. galing..
nice poem… reminding to take good care of the toys that we have… God bless.
ang emo ng laruan..
hehhehe.
siguro yan ang hinaing ng lahat ng laruan sa mga bata.
clap!clap!
JH Alms, Cuteberl, Bagotilto..maraming salamat po.