Madilim na Bilangguan

Posted: July 30, 2011 in Uncategorized
Tags:

Madilim na Bilangguan
Miguel H.Lagado
Nasaan kayo noong kayo’y aking kailangan?
Pakiwari ko’y ako’y inyong pinabayaan.
Nasaan na ang diwa ng pagkakaisa at kapatiran?
Ako ay itinapon sa kung saan-saan.
Sadyang malaki ang aking inaasahan,
Na kayo ay laging nasa likuran,
Ngunit ang nangyari ay kabaligtaran,
Nawala ang pag-aaruga at inyong katapatan,
Mga pagsisikap at pagpupusirgi ko ay hindi niyo ba pansin?
Pawis at dugo na inaalay nawaglit ba sa inyong paningin?
Hindi niyo ba alam na nanlulumo ang aking damdamin?
Dahil mismong kayo ay walang tiwala sa akin.
Pakiwari ko’y ako’y estranghero,
Nangungulila sa kalinga ng bawat tao,
Noo’y kinalinga ko ang bayang naghihingalo,
Pilit ibinangon sa malakas na bagyo.
Ngayon, akoy isang bilango,
Bilanggo ng noon, kahapon at ngayon,
Ano ba ang nagawa ko na hindi niyo nagustuhan?
Upang masadlak ako sa madilim na bilanguuan.
Habang nag-iisa ay nabuo sa aking isipan,
Kailangan kong maghigante, sarili ay ipaglaban,
Ipapamalas ang lupit ng kapangyarihan,
Sa mga taong pinagsilbihan ngunit ako’ypinabayaan.
Ako’y pinabayaan kung kailan kailangan,
Ang mundo ba’y konsepto ang laglagan?
Ang mga nasataas hahatakin hanggang kailaliman,
Hanggang mabaon ang pagkakakilanlan.
Ngunit ano ito’ng aking nararamdaman,
Para akong nasasadlak sa kadiliman,
Mga ginagawa’y hindi na nalalaman,
Dahil ba ito na ako’y wala na sa dati kong kaisipan?
Patawad aking mga kaibigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s